Sampung Dahilan Kung Bakit Ayaw ko ang Valentines... Amfufu!
Valentine's Day nana
man bukas.... hayyyyy... Goodluck sa lahat ng mag cecelebrate bukas! Pasensiya na at kinailangan ko lang i post ito ng tagalog para mas maipahiwatig ko ang aking nararamdaman. I don't want to be a cynic pero.... di maiiwasan eh. Nawalan na ako ng pag asa sa lalake at sa tuwing sasapit ang Valentine's Day tila dumodoble ang pagka muhi ko sa buong populasyong ng kalalakihan. <<<<> Bakit nga ba ako naiinis sa tuwing sumasapit ang Araw ng mga Puso? 1. Triple ang halaga ng mga bulaklak. Oo na, sige na at pagbigyan natin ng pagkakataon makabenta at magka dilehensiya naman ang mga magtitinda ng rosas. Pero utang na loob naman... sana naman po eh gandahan niyo naman po ang pinaka murang boquet ng roses. Eh parang binabad sa formalin yung binenbenta pag minsan. 2. Pahirapan sa pag reserve sa resto. Parang mas makaka enjoy ka pa ata sa Manila Bay versus dun sa resto na pinuntahan mo ng jowa mo kung saan katakot takot na pag hihintay nalang ang ginawa niyo. 3. Ano bang greeting card kasi? Dalawang oras ka na sa card section ng National Bookstore, hirap na hirap sa pagpili ng card, di ka pa rin makapag decide. Tawagan mo nalang pamangkin mong 3 years old at mag finger paint kayo sa oslo paper at lagyan mo ng I love you at pirmahan mo.... tiyak mas makyukyutan pa jowa mo dun. 4.Lahat ng chick flick SRO. Ngayon mo mapapatunayan na ikaw ay pusong mamon at sensitive... pagdating niyo sa sinehan, ang paboritong movie
ng gelpren/boypren mo ay SRO. Paano nalang ang lambingan sa loob ng sinehan pag nakatayo lang kayo? 5. Ang gastos. Di lang ata presyo ng bulaklak pati na rin sa lahat ng pwedeng puntahan ng mga lovers triple ang gastos. Sige na at minsan lang naman yan. Okay lang kung sa susunod sa date niyo eh butas ang bulsa mo at isaw at palamig nalang ang ipakain mo. 6.Traffic. Sobrang traffic, kadalasan, mas marami pa kayong itinagal sa taxi/kotse kumpara sa pag uusap niyo at harutan. 7."If you love me, prove it to me." Hay naku
uuuu.... ladies, huwag kayong padadala sa mga ganyang linya. Bakit ba sa tuwing sasapit ang Valentines eh madalas din itong sabihin? Aber at saan mo ba balak dalhin ang jowa mo? Sorry ka nalang at pati kotse/taxi mo eh kelangan pumila sa mga ganyang lugar. Naka tulog ka na kaka antay ng turn niyo, di ka pa sigurado kung nalinisan ng mabuti yung room mo. Kasabay pa niyan, inis na rin jowa mo kaka antay. 8. Mga walang katapusan na stuff toys na may heart pa sa dibdib. Sa totoo lang, yang mga ganyan ko talagang tinago ko.... Malas ko lang nung pinanganak ung panganay ko eh hikain at kinailangan kong itapon lahat. 9. Hearts...hearts...hearts... puro nalang hearts! Pag malapit na ang valentines day, para akong nauuntog ng malakas... at imbes na stars ang makita ko eh hearts! Kakainis! 10. Samahang Malamig ang Valentines. Oo na, pilit naming tinatago ang aming pagka lumbay sa pagsali sa mga group dates ng mga SMV. Siyempre iba pa rin ang meron kang "special someone". To all those celebrating Valentines tomorrow... husbands and wives, boyfriend and girlfriends... I'm wishing you the best. (walang halong ka plastikan) Hope you grow old together and feel the real meaning of true love!
PS: Studies show that more people commit suicide during holidays like Christmas, New Year's and Valentines Day.... Thank goodness for my blog!!!!! :P :) Have fun! And Happy Hearts Day to all!!!! Ahahahah... di po ako magpapatiwakal... I love LIFE!!!! :)